introvert's tumblr: University Jokes:
I found this one sa Jokes thread [:
Maalaala mo kaya:
Dear Ate Charo, It’s so hirap talaga to study in UP, the University of the Poor.You know, I never wanted to study here. But my parents kasi, they both went to UP and they said na it was the best school talaga. Eh ‘di I went. But no! When I got here, Holy horrors! I was ready to make himatay after the first day pa lang. Would you believe, there’s no aircon na nga in the classrooms, the fan doesn’t work pa. And then this guy who was like, wearing a sando, shorts and tsinelas lang made tabi next to me. He made pakilala pa! The nerve! So I made takbo to the CR to make tago. But I couldn’t make hugas my hands that were so pawis from escaping such a near-death experience. There was no liquid soap! Not even a couch where I could sit to make kikay. Do you feel my pain na ba? But wait, there’s more. Last Thursday kasi Daddy’s Volvo was bawal, eh the Eclipse was being repaired, so I had to make sakay with my yaya in the Ikot jeep. It was so siksik! I could like, smell the putok of the girl next to me. Like, it was sobrang mabaho talaga. Kasi naman, the Ikot jeeps are old na nga, they’re mainit pa! Sana they make palit na the jeeps with a shuttle system. Okey lang naman even if there’s an increase in pamasahe ‘di ba? So when the car is bawal, I can use my credit card na to make bayad. Isa pa, you know the Shopping Center? It’s so kadiri talaga. I’m forced na nga to make Xerox there, (as if naman I could be caught in that place otherwise) pero I’m so inis because it’s so maliit and madilim, and most of the stalls don’t have aircon. They should tear it down na and build a mall na lang. Then I wouldn’t have to go to Katipunan pa to get my Starbucks fix. My gosh, this place is so bulok I don’t know nga why anyone would bother making turo here pa. Just yesterday, my professor was kinda inis kasi her whiteboard marker had no more tinta! Then she tried to make hanap a matino whiteboard marker but of course there was none. Duh! Kasi naman if we had laptops instead of desks in every classroom there would be no more need or whiteboards di ba? But you know even if there were laptops na, the seats are so tigas sometimes I find it mahirap to concentrate. Dapat may cushioning para malambot sa butt, like Downy.Now I’m in my third year na. I don’t want to stay in this place anymore.I don’t give a paki if UP’s the best university here. I’m going to transfer to somewhere else, where the CRs have liquid soap.
Oh my God, it’s like so, you know? Hahaha. Grabe naman toh.
Source: sheenabea
Philippine Games Journal #2
INVENTED GAMES. Yes naman, super duper great achievement kapag nakapagimbento ka ng laro na papatok sa masang Pilipino. Patay ka na, pero ang laro mo, go na go pa rin sa paghahasik ng kaligayahan sa maglalaro nito. :) Nakakatuwa na binigyan kami ng pagkakataon ni Ma’am na makapag-isip ng isang laro. Kapag taga-UP, kailangan “inventor” ang peg. Syempre nga naman, tayo ang melting pot of knowledge at kahit sa laro, di tayo pahuhuli sa pagpapalawak nito. Hindi kaya biro ang mag-imbento. It takes skills, you know? Hahaha. And it takes a good prof to learn how to. Kaya maraming salamat sa walang hanggang suporta ni Ma’am sa pagpapakita sa amin kung paano nabubuo ang isang laro, paano ito itinuturo at kung paano ito mas mapapasaya pa.
Ok, tapos na ang medyo madrama kong intro. Without further adieu, I present to you my Top 5 games of the second half! (Parang basketball lang. Hahaha.)
#5. THE HUNGRY GAMES.
Ginutom ako ng larong ito (as the name implies). Hahaha. Yung tipong ang daming pagkain sa gitna pero pahard-to-get naman sila. Tapos ang sasarap pa. (Lalo na yung Nova). Habang naglalaro kami nito, lahat kami gustong magtry na makapasok kaya lang ang gagaling ng “capitol” eh. May import pa, si Ma’am. Hahaha. So syempre, para hindi tengga, strategize kunyari. Hahaha. Madalas, kaming hindi makapasok ang panlinlang. Kunyari, papasok kami para kami ang babantayan para yung nasa loob, makabalik sa base namin with food. :] Akala ko madali lang yung trabaho, hindi rin pala.
Kung ako ang reporter, improve ko yung variation nila. May equal number of food ang bawat grupo. Tapos may runners din sila. Aim ng runners to get as much food as they can sa kabilang grupo. Syempre, ang remaining members, todo protect naman. Magsisilabasan ang mga kadamutan natin sa larong iyon. Hahaha.
AWARD: “Hanggang tingin ka lang” Award. Hanggang tingin lang kasi yung mga masasarap na food nung game na yun. :( Hahaha.
MVP: Fitz for the win! Hindi ko alam kung anong meron sa katawan niya pero ang bilis talaga niyang makalusot eh.
#4. DAY AND NIGHT.
Di ko alam kung ano ang naramdaman ko dito sa larong ito. Mixed emotions eh. Hahaha. Kinakabahan ka and at the same time hindi mo alam kung paano mo malalaman yung left or right/day or night ang lalabas in the least possible time. Habang naglalaro kami nito, lahat kami pasugod ang position. Hahaha. Tapos pag na-itsa na yung tsinelas, titingala hanggang bumaba ang tingin tapos may quiet time then TAKBO! May taga-sigaw pa nga kung ano gagawin eh. :]
Kung ako ang reporter, babaligtarin ko ang rules. Hahaha. Kapag night ang lumabas, day ang hahabol. Kapag day ang lumabas, night ang hahabol. Oh kaya naman, hilaan para mas brutal. XD
AWARD: “Where should I go?” Award. Para kang batang nawawala sa gitna ng giyera eh.
MVP: Si Fitz ulit. :) Always on the go sa pagsugod eh.
#3. AWAY NG MGA KOMANG.
Napakawet and wild ng larong ito! Sobra akong natuwa kasi yung mga ganitong klaseng laro ako magaling. Hahaha. I get to use my strength kasi. XD Habang naglalaro kami nito, pansin ko ang teamwork ng group namin. (MABUHAY ANG GROUP 1! HAHAHA.) Nakakatuwa kasi natandaan namin agad kung sino ang groupmates namin. Kapag mangtataya na kami, pinipili ng circle ko yung same target ng isang kagroup namin para madistract yung kalaban. Isa pa, ang galing ni Kuya Kevin as Komang! Jump with matching and slap kasi ang defense mechanism niya. Hahaha.
Kung ako ang reporter nito, hindi na tapping ang paraan para manalo. Yung Komang, meron ng panyo na dapat maagaw ng Komang ng iba. Tsaka wala ng group 1, group 2. Ang kagroup mo, yung circle mo lang. Pag nakuha ang panyo, out. Padamihan ng nakuhang panyo.
AWARD: “Reaching out” Award. You’ll do what it takes to reach out for the other komang. Hahaha.
MVP: Si Kuya Kevin! Naiimagine ko na ang scene ay may legal wife at mistress na nag-aaway pag nananaya siya. Hahaha.
#2. AMIN KA!
Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero super kinawawa ako ng game na toh. Awang-awa ako sa sarili ko. :( Noong nilaro namin toh, ok pa ako sa simula. Ok naman ang groupmates ko. Synchronized naman kami. Hahaha. Medyo nadehado lang talaga ako nung kalagitnaan na. Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero nung nagsuguran na, kinuyog ako ng kabilang team. Mga 3-4 yata ang humila sa akin. Syempre, hindi ko na aasahan yung groupmates ko na tulungan ako kasi 4 na nga yung humihila sa akin, baka madamay pa sila. BINGO TONG GAME NA TOH SA AKIN EH. Nauntog na ako, nagalusan na (puro kalmot), nawalan pa ako ng dignidad. :| Nahubaran na ako sa kakahila nila sa akin. Yung nakauntugan ko, sabi niya, “Mangiyak-ngiyak na ako sa sakit ng pagkakauntog sa’yo pero nung nakita kitang nahuhubaran na, bigla akong natawa.” Grabe, I became the pain and joy of one person at the same time pa.
Kung ako ang reporter nito, hindi ko iisipin ang larong ito. Bitter much ako eh. Hahaha. Unforgettable talaga ang experience ko dito sa larong ito.
AWARD: “Maninirang Puri” Award. Siguro naman alam na kung bakit. Hahaha.
MVP: Ako na. Pakonswelo ko na sa sarili ko. Hahaha. I did my best naman eh. :P
#1. IPASOK MO!
Di ko makalimutan tong game toh. Syempre, kami yata reporters nito! Hahaha. Nakasimple lang kasi pero napakasaya ng game na toh. Habang nilalaro nila toh, I can’t help but feel proud of myself. Hahaha. I can’t believe na nakaimbento kami ng laro na simple lang pero super duper saya! Mapapalagapak ka sa floor kakatawa habang pinapanuod mo sila. Bukod sa pagtakbo nila, matatawa ka sa pagsigaw nila ng “OOH! at AAH!”. Funniest part yung nakatali na ang ankles nila. Ang cute nilang tumalon eh. Sabay-sabay, may bilang pa. Hahaha.
Syempre, kami na nag-isip ng variations kaya wala na akong maisasuggest. Exhausted na utak ko kakaisip ng variation. Ang hirap din kaya. :))
AWARD: “Pinakamaraming tawa ako” Award. Happiness and energy talaga ang nakuha ko sa game.
MVP: Si Shir. Super split na ang legs niya sa game tapos nung pinapatalon naman sila, ibang klase ang talon niya. Hahaha.
Maraming naidulot sa akin ang Philippine Games. Marami akong nalaman sa sarili ko na kaya ko palang gawin. Dati-rati, hesitant akong makipaglaro kasi hindi naman ako pala-laro noong bata ako. Ngayon, I became more confident and found new friends because of this PE. Walang hiya-hiya. Balat sa balat, pawis sa pawis, lagkit sa lagkit. Hahaha. Nakakalungkot that it has come to an end but the memories will always stay in my heart. Patuloy kong isheshare ang mga natutunan ko sa PE na toh. Part na ng career ko ang maging gamemaster. Papanindigan ko na. Hahaha.
MABUHAY ANG MGA LARO. MABUHAY ANG MGA INVENTORS. MABUHAY ANG PHILIPPINE GAMES!
-Elaine Joy Serrano
Core’s first ever CANTON Party! Ang mga biglaang lakad talaga ang natutuloy. Sa uulitin! :)
NOTE TO SELF. When you stop looking for the love of your life and start doing what you love, the love of your life will find you.
Source: thediaryofayoungman
Di ka ba namang ganahan kung siya sasalubong sa’yo sa drive thru. :”>
Source: ayne32142
Philippine Games Journal #1
PHILIPPINE GAMES. Pangalan pa lang alam mong mag-eenjoy ka na. Hahaha. Eh may prof pang cool at masaya, rock on talaga ang PE na toh! \m/ Ito ang subject na pinakaaabangan ko sa araw-araw na ginawa ni Lord ngayong summer. Hahaha. Mukhang meant to be kami nitong PG kasi nakuha ko siya sa CRS sa first batch run pa lang kahit mataas ang demand. Hahaha. Sa sobrang saya ko, isheshare ko ang happiness ko. Ito ang Top 5 plays of the first half of the summer. XD
#5. BABOY-BABOY.
Nakakatuwa ang larong toh. Kahit na hindi buwis buhay ang mechanics, enjoy pa rin. May inahing baboy sa loob ng box at may maliliit siyang gamit na siyang kanyang mga biik at dapat niya iyong protektahan laban sa mga magnanakaw sa labas ng box. Medyo ewan akong sumungkit ng gamit kaya naging inahing baboy agad ako. Pero in fairness, magaling naman akong magprotect kahit papano.
AWARD: “Boy Serious” Award. Eh parang ang seryoso ng laro eh. Tahimik, kunyari focused na focused. Concentrate. Kailangan maagaw, kailangang hindi maagaw.
MVP: Si Arcel. Ay grabe, ang bilis ng kamay. Pati kapwa magnanakaw, nagugulat. Hahaha.
#4. ORA-ORA COMANCHING.
Ang dance to the beat of the chant game. Hahaha. Bubuo kayo ng isang bilog at kakanta ng “ora, ora, comanching” with the hands in the air. Oh di ba? Hahaha. Kapag sumigaw na ng “COMANCHING!”, ang lahat ay dapat nasa loob na ng bilog, ang mahuli ay siyang taya. Magkakaroon siya ng stick para sundutin mula sa mga tao sa loob ng bilog ang susunod na magiging taya.
Ang astig ng variation nitong laro na ginawa ng mga kaklase ko. Yung one foot lang. Grabe. Sakit sa legs! Tsaka yung may specific part ng body na dapat ma-tap para mataya. Grabe. Nag-uumapaw ang teamwork! Hahaha.
AWARD: “Mapapatili ka ng bongga” Award. Hindi mo kasi maiwasang mapasigaw at tili sa tensyon eh. Yung mga tipong “Andiyan na siya!”, “Oh m!” “AAAHHH!”.
MVP: Si Corrine. Mukhang nagpapataya yata talaga siya eh. Ang haba ng arms niya kaya ang galing manundot. Hahaha.
#3. SIS-SIS-KI.
Medyo buwis buhay ‘tong larong ito. Hinati sa dalawang grupo ang klase. Katapat mo, kalaban mo. Aim mo na ma-tap ang ankle ng kalaban. Sa una, mabilis lang yung laro kasi basta isa sa grupo ang maka-tap, score na. Masaya ang variation! Paramihan eh tapos pwede na magtulungan yung mga magkakagrupo kasi pwede mong i-tap pati yung katabi ng katapat mo. Di ko makalimutan itong larong toh kasi natorture ako eh. Hahaha. Lagapak ako sa sahig habang tinatap yung ankles ko. T_T Pero kahit na ganon, masaya naman!
AWARD: “Pinaka-naharass ako” Award
MVP: Si Jian. Ay naman, aim niya ako tapos nag-usap pa sila ng mga katabi niya na ako ang gawing target. T_T
#2. BASKET NG PRUTAS.
Makakalimutan mong taga-UP ka pag nilaro mo toh. Hahaha. Kahit sino parang magiging pentium 4 ang microprocessor ng utak kasi babagal ka mag-isip. Hahahaha. May bilog na magkakaroon ng 6 na linya. Sa likod ng bawat tao, may 6 ulit na tao. May isang taya at pain. Aim ng pain na maghanap ng linya para hindi mataya. Kung pumwesto siya sa unahan, pain na yung nasa likod and vice versa. Nakakatawa kasi hindi mo namamalayan, pain ka na, o nataya ka na. Hahaha. Aasa ka talaga sa instructions ng groupmates mo. Di ko rin makalimutan tong game na toh kasi sa sobrang sabaw ko, di ko alam, ako na ang pain at nataya na ako. Napa-sorry tuloy ako. Hahaha.
AWARD: “Nganga” award. Mapapanganga ka na sa bilis ng mga pangyayari sa larong ito. Hahahaha.
MVP: Si Camille. Lagi kasi siyang nagiging pain o taya. Kulit lang eh. Hahaha.
#1. BERONG-BERONG.
Ito ang pinakanagustuhang kong game sa lahat. Ibang klase kasi eh. Kahit na hindi mo masyadong kilala yung kalaro mo, basta para sa laro, walang magiging awkward moments sa inyo. Hahaha. Sa larong ito, may isang taya. Mananaya siya mula sa isang lupon ng mga tao. Kapag nakataya na siya, holding hands na sila while running. Hahaha. Kailangan na kasi nilang manaya pa para humaba sila. Ang cool nung game nung sobrang haba na nung link. May trappers, tapos may lumulusot pa sa ibang linya basta mataya lang yung mga natira. Nung variation, naging mas masaya kasi kapag nakasampu na yung link, mahahati sila sa tig-lima tapos pareho nang mananaya. Mabilis na lang yung game pero ang saya pa rin. ROCK ON! \m/
AWARD: “Ngalay Galamay” Award. Stretched ang arms mo kapag nilaro mo toh. Hahaha. Kangalay eh. XD
MVP: Si Ate na natira nung original game. Hindi ko nakuha name niya. Sayang. Idol talaga si Ate.
Dahil sa PE, marami na akong NFG sabi ng kaibigan ko. “New Found Games” raw. Hahaha. Ako na ngayon ang game master sa youth fellowship namin kapag Linggo. Maraming salamat talaga sa mga inventors ng games toh. Hahaha. Mabuhay kayo!
-ELAINE JOY SERRANO
Source: psych-facts
Kahit maging member pa ako ng kahit anong group—mapaclass, school, org or mapa-ano pa man—hinding hindi ko ipagpapalit ang mga taong toh. What’s more fun than working with people whose goal also is to lead people to Christ?
Thank you, Lord. You never fail to match different people with different abilities for the glory of Your name.
I love you, guys! <3






